Angeline, Deserving Maging Winner ng 'Star Power'


Share


Ngayong gabi na nga gaganapin ang Grand Finals ng 'Star Power' sa di-kagandahang Ynares Center at dahil sa live ito gaganapin, kaya di ko alam kung sino ang tatanghaling winner.


Bago pa i-anunsyo mamayang gabi ni Ms. Sharon Cuneta ang pangalan ng winner ay sasabihin ko na kung sino ang bet ko. Obvious na obvious sa title ng post ko na ito si Angeline Quinto, 21, from Sampaloc, Manila, ang bet kong manalo sa kompetisyong ito. Bakit si Angeline? Noong una kong makita itong babae na ito, ang sabi ko ano ba yan mukhang babaeng b-i-i-k na maasim. Tapos nang madinig ko ang boses niya, sabi ko ano ba yan tili na naman, wala namang originality, at kamukha ni Regine 'Baduy-serye Diva' Velasquez. Pero habang tumatagal ang nasabing kompetisyon ay unti-unting nagbago ang hitsura at paraan ng pagkanta ng babaeng ito, kasabay ng malaking pagbabagong niya ay ang pagbabago ng pananaw ko sa kanya.

Pinahanga niya ako sa marami rin niyang performances, she learns how to own a song. From the image of babaeng b-i-i-k na maasim ay isa na siya ngayong desenteng young diva. Sa lahat ng sumali, siya ang malaki ang pinagbago sa pisikal na aspeto. At hinde niya sinayang ang pagkakataong ito upang matuto at mahasa pa ang kanyang talentong pinagkaloob ng ating Panginoon. Eh ang isang magaling na singer ay may talentong kayang at marunong makipagsabayan sa pagbabago ng panahon, at meron yan si Angeline dahil nadadama kong bukas ang kanyang puso sa pagbabago, hinde sya humihintong matuto. Kaya ikaw Angeline, ikaw ang b-i-i-k ko, ikaw ang babe ko, ikaw ang bet ko, ikaw ang aking Sharon's Next Female Superstar.

Matalo ka man, lagi mong tatandan ang speech ni 'Harry Potter' star Helena Bonham Carter na, "...it's not about winning". Kapag sumikat ka, magpakatotoo ka, at palaging buksan ang isip at puso sa mga darating na pagbabago. So congrats babe! :)

Photo by ABS-CBN

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    July 16, 2011 at 7:15 PM | Permalink

    ang galig galing m bka 1st fan m me punta k naman d2 s purto galera oriental mindoro pls angeline marami din nagsasav n mag kamukha tayo

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS