Anak ni Ms. Charo Santos, Super Galing sa 'Imortal'


Share



Marami nga humahanga sa ganda ng teleseryeng 'Imortal' mula sa magagaling na pag-arte ng cast nito, sa mga kahanga-hangang mga istilo ng mga direktor nito, hanggang sa napaka-astig na istorya nito.

Pero ang isa pa sa hinahangaan ng mga sumusubaybay nito ay ang napaka-astig na musikang ginagamit para sa seryeng ito. Alam ninyo ba na ang magaling na anak ni Ms. Charo Santos, ABS-CBN President, na si Francis Concio ang naglalapat ng mga musika sa para sa seryeng ito.

Napakagaling niya talaga bilang isang musical scorer dahil siya rin ang nasa likod ng 'My Amnesia Girl'. Hinde mga madadrama at baduy na musika ang ginagamit niya, ang astig ng mga nilalapat niyang musika sa seryeng ito. Alam mo iyong pakiramdam na umaangkop sa mga matitinding eksena ang mga musikang nilalapat. Astig ka France.

Ayon sa pagkakaalam ko eh vocalist sya ng bandang Republika at siya rin ang sumulat ng mga theme songs ng 'Imortal' at 'My Amnesia Girl'. This guy knows what good music is.

Photo by Francis Concio

2 Comments

  • gravatar Anonymous
    March 23, 2011 at 1:22 AM | Permalink

    Republika: http://www.clickmusic.com.ph/Album/republika/republika/12

  • March 23, 2011 at 5:43 PM | Permalink

    thanks

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS