TV Review: Bravo 'Imortal', Bravo 'Mara Clara'


Share


Wow grabe bravo. Ang gagaling ng mga taong nasa likod ng mga teleseryeng 'Imortal' at 'Mara Clara' dahil napaka-ganda talaga ng mga ito.

Grabe parang palikula ang 'Imortal' sa musical score, sa acting, sa bonggang story... gabe talaga. I love the scene na nasa kulungan ang karakter nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz na sina Lia at Matteo, napakasimple ng mga eksena na iyon pero bongga ang atake, bongga ang execution. Napaka flawless ng story nito at take note hinde baduy. At talagang kahanga-hanga ang pagganap nina Angel at John Lloyd.

Ang bonggang twist ng 'Mara Clara' ang dahilan kung bakit mapapakapit ka sa kina-uupuan mo. Sa wakas dumating na ang panahon para malaman ang katotohanan sa pagkatao nina Mara at Clara. Grabe napanganga ang mga tao sa bahay namin ng makita nila ang pasabog na patikim para sa next week's episodes.

Bongga!!! Kahit na busy ka ay gagawa ka ng paraan upang mapanood ng 2 teleseryeng ito. Kahit di ka na mag-kanin sa gabi ay okay lang dahil mabubusog ka talaga sa mga malalaking eksena ng 2 teleseryeng ito. Bravo!!!

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    January 29, 2011 at 11:57 PM | Permalink

    I strongly agree on that. Ganyan din views ko about the two shows. Kudos to the team!

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS