'Imortal Book 2' Magsisimula Na, Piolo-KC Umamin Na!!!


Share


WINNER: Ang nalalapit na pagtatapos ng unang libro ng 'Imortal'. Bongga ang unang libro ng teleseryeng ito, nabubusog ako sa mga malalaking eksena nito. At balita ko magtatapos ito sa isang napakalaking eksena.

WINNER: Ang nalalapit na pagsisimula ng 'Mara Clara (Book 2)' at 'Imortal (Book 2)'. Wag kayo mag-alala, walang season break, kaya after matapos ng mga unang libro eh magsisimula agad ang ikalawang libro. Kung may Book 2 kelan naman kaya ang eBook 2 at Audio Book 2?

WINNER: I-rerelease this week ang bagong poster ng 'Imortal' para sa Book 2 nito.

WINNER: Ang muling pagkikita at pag-uusap ng personal ng 'Pinoy Big Brother' hosts na sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez. I am sure masaya si Big Brother sa pangyayaring ito. Isa talaga ako sa nalungkot ng nagkaroon sila ng gap. I am so happy kasi malapit na medyo malayo pa ang muling pagbubukas ng Bahay-bata ni Kuya.

Ang dalawang hosts ay nakatakdang magsama sa bagong noontime show ng Dos with John Estrada at Randy Santiago. Thanks to PinoyBigBrother.com for the photo


WINNER: Ang TV host na si Bianca Gonzalez. Pinakita niya talaga na isa syang mabuting kaibigan. Wala syang kinampihan sa dalawa bagkus ay isa sya sa mga dahilan kung bakit muling nagkasundo sina Toni at Mariel. Dapat nating palakpakan si Super Bianca.

WINNER: Ang pag-amin ni Piolo Pascual kanina sa 'The Buzz' tungkol sa relasyon nila ni KC Concepcion. Kahanga-hanga ang ginawa ni Papa Pi, naku naku naku eto namang si KC ang haba ng hari, makagamit nga ng Palmolive shampoo baka magkaroon din ako ng sarili kong Piolo.

WINNER: Ang mga Asianovela ng Kapuso station - 'Temptation of Wife' at 'The Baker King'. Napakaswerte nila at nakuha nila ang Best Sopa Opera ng South Korea. Ang gusto ko lang na Asianovela ng ABS-CBN sa ngayon ay ang 'Autumn Concerto', actually napanood ko na online at true super ganda nito.

YUCKIE: Ang title ng bagong teleserye ng TV5 na 'Babaeng Hampaslupa', napakabahong sabihin at pakinggan. Parang alam mo yun, kapag nadinig mo ang title nito maaasar ka kasi napaka-predictable niya - babaeng mahirap na inaapi, iyakan dito, iyakan doon, yayaman sa ending...

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS