Charice, Hinde Dapat Kainisan ng Showbiz Reporters!


Share


Nakaka-irita talaga ang balitang naiinis ang mga ilang showbiz reporters kay Charice. Di umano'y hinde daw nilingon at pinansin ni Charice ang mga showbiz reporters nang umuwi ito dito sa Pilipinas para mag concert.


Ayon sa kampo ni Charice, pinagsabihan daw siya ng kanyan management na ang tanging gagawin lamang daw niya rito ay ang magperform at huwag magpa-interview kaya ganun kahigpit mga security niya sa kanya at sa press.

Eh yon naman pala, sana minsan intindihin ng ilan sa ating mga showbiz reporter na iba ang sistema sa security sa Hollywood kaysa sa Pinoy Showbiz. Mahirap nga naman mapahamak ang mga celebrity. Ang hirap kasi sa ating mga Pinoy ay ang masyadong matampuhin na wala naman sa lugar, yung tipong di ka lang nalingunan, galit na agad.

Wala naman ginawang masama si Charice, sumunod lamang siya sa utos sa kanya. Baka kung hindi siguro siya sumunod, ay baka i-tsismis naman siya na lumalaki na ang kanyang ulo at hinde na marunong sumunod sa utos.

Ano ba? Ano ba? iPad ba ito?

Photo by Star Records

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    January 20, 2011 at 10:45 AM | Permalink

    tama byx.

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS