Ang Bonggang TV5 Media Center


Share


Oh yes, the Philippine TV station TV5 is becoming bigger and better. Naging matagumpay nga ang taong 2010 para sa istasyon nito kung pagbabsehan ang kinita nito last year kumpara sa mga nagdaang taon, mga panahong wala pa ang isang Manny Pangilinan sa istasyong ito.

Maraming plano si MVP para sa kanyang pulang-pulang TV station. Isa nga rito ay ang kanilang Media Center sa Mandaluyong. Hinde lang basta isang Media Center, kundi isang bonggang Media Center.

Kanina ngang umaga ay ginanap ang groundbreaking ceremony, ang pag-ground sa break hahaha, kung saan dinaluhan ng mga big wigs ng TV% sa pangunguna nga ni MVP, dumalo rin sina Mandaluyong Mayor Abalos and Congressman Gonzales.



Ang bonggang Media Complex, na may lawak ng 6,000 sqm, ay idinisenyo ng top foreign and local architects, pero wala dyan si Top Suzara. Inaasahan na bago matapos ang 2011, ay tapos nang gawin ang Phase 1 nito kung saan ookupahin ito ng mga people from the News Dept. ng nasabing istasyon. Habang ang Phase 2 naman ay matatapos next year, kung saan ang Entertainment Dept. naman ang ookupa rito.

Nakakaloka talaga sa bongga, dahil ang isa mga Entertainment studio nito ay kayang mag-accommodate hanggang 1,200 katao. At take note, mayroon ding LED screen na kasing taas ng 5 storey na building ang lalo pang magpapabongga sa labas ng complex na ito, na katulad sa mga international TV stations na may LED screen sa pinaka-building mismo. Panoorin ang video na ito.

Sa nasabing event din ay inanunsyo ang iba pang plano para sa TV5:
-Aksyon TV isang News Channel sa Free TV, na magsisimula sa February, na pantapat sa GMA version nito.
-TV5 International, ang pantapat nila sa TFC ng ABS-CBN at GMA Pinoy TV ng GMA, na magsisimula ang operasyon sa North America sa May.
-Ang pagbili pa nila ng TV station sa Indonesia at isa pa mula sa isa mga bansa sa Soutrh East Asia. Nakikita ko, na magkakaroon ng international market ang kanilang mga show at artista.
-Andyan na rin ang pagdating ng 2 dambuhalang international reality shows. Ang isa nga ay ang 'Extreme Makeover: Home Edition'.

Sa ngayon sa Novaliches pa nag-oopisina ang mga taga TV5 at gaya ng nasabi ko, bago matapos ang taong ito ay lilipat na sila sa Mandaluyong.

Halatang ganado si MVP na lalo pa niyang pagandahin ang kanyang TV station kahit na sinabi niya kanina na...

"Running a tv network is one of my toughest business. It is very dynamic."

Thanks to Carlo Ople

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS