Mga Bagong Bahay Ni Kuya Mapi-feel Mong Mag-Beach!!!


Share


Ready na ang lahat pati ang perang pambayad sa Meralco na as in ready na. Ready na nga ang lahat para sa muli at di pa huling pagbubukas ng Bahay-bata Ni Kuya (infairness, muling maninilip at magpapahirap ulit si Koya).

Kanina nga ay ginanap ang house blessing ng bagong bihis na MGA Bahay ni Kuya. Ayon sa isang staff nito, super ganda daw ng mga bagong itsura ng mga Bahay ni Kuya, ma-e-enjoy daw talaga ng mga Teen Housemates (so Vote To Save Kay Remcon) ang summer kasi mapi-feel mo ang beach kapag ika'y dito tumira. Tutukan mamaya sa 'SNN' ang silip sa nasabing House Blessing. Abangan sa mga susunod na araw ang pagpasok ng mga Teen Housemate at alamin kung ang ibig sabihin ba ng clash ay cliques, grupo-grupo gaya sa 'Big Brother USA' (art lovers vs. sports-minded people vs. poor people vs. liberated ones) o ang ibig kaya ng clash ay boys vs. girls o kaya naman ang ibig sabihin ng clash ay teacher/s vs. Teen Housemates o baka naman wala sa mga nabanggit ko ang tamang sagot.

2 Comments

  • gravatar Anonymous
    April 8, 2010 at 10:26 AM | Permalink

    mga bahay????prang double up ha

  • April 8, 2010 at 4:24 PM | Permalink

    @comment #1 para lang hong clash

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS