We Tied Yellow Ribbons


Share


Graveh ang episode last Sunday ng 'The Buzz' nakakaiyak.

I wanted not to cry but I couldn't help.

Kinuwento ni Kris ng bonggang-bongga ang last few weels of her mother. Madadama mo yung lungkot na nadarama niya. It was real.



Grabe, I admire her for being a nice daughter, hope every mother has a daughter like Kris. Like what she said, she was able to spoil her mom. Thanks Kris for being a role model. I learned from you to say "I Love You" and "I Am Sorry" to my parents.

Pero mas graveh at mas nakakaiyak yung message ni Kris (eulogy), di ako nagsasawang panoorin ang scene na yun at di rin ako nagsasawang umiyak. The message really came from a daughter's heart.

I love the part when she said: "Mom, I lied..", omg tagos sa kaluluwa ko yun. It was so meaningful, graveh talaga, one of the best seen I've scene. Tama ang sabi nila, when you love somebody hayaan mong sumaya siya kahit na masakit ito para sa iyo dahil iyon ang tunay na pagmamahal, ang tunay na pag-ibig.

On the funeral service of Pres. Aquino, happened 2 days ago, proved that we could be united. When I watched the said coverage, omg, proud ako na Pinoy ako dahil kaya nating magkaisa, we tied yellow ribbon once more.



I admire Pres. Aquino, she proves her 'Cory Magic' once more. I admire her being a leader and being a mother. Yah, she was not the best president that Philippines had but she did her best but she is the Most-Loved Philippine President. She loves our country, she is not a corrupt official, she did bring back our democracy. And I owe to her kung anumang meron sa blog na ito, I owe to her ang malayang pagpapahayag ng saloobin. Salamt Pres. Cory Aquino.

Kahit na single parent siya, napalaki niya ng maayos ang kanyang mga anak. Makikita mo ang disiplina niya sa mga ito. Hindi siya makasarili. Siya yung isang ina na pangangarapin mo. Kapag pinapatugtog ko ang kanta ni Michael Jackson na 'Man In The Mirror' naaalaala ko siya.

Sana lang maging national heroes sina Mr. and Mrs. Ninoy and Cory Aquino. Sana palitan ng Crayola ang pangalan ng kulay yellow bilang Cory Color. Sana sa malagay din sa pera natin ang kanyang mukha para di natin siya makalimutan lalo na ang mga susunod na henerasyon.

Again, condolence to the family of Philippine President Cory Aquino.



1 Comment

  • gravatar Anonymous
    August 8, 2009 at 4:17 PM | Permalink

    hay nako, isang napaka maldita. parang siya lang ang nagalaga sa 'mom' niya. :| ang arte ng pag salita niya. lahat kaylangan banggitin pati kung anu ano ung mga ibinigay niya sa mom niya. heh!

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS