Latest News

Possible Housemate: Surfer & Dog Lover QUINITO VILLEGAS VILLAROSA

Thursday, April 24, 2014 0 Comments


College boy na laman ng mga party. Cutie Pie mula sa DLSU na laman ng mga Blind Items ng isang blog. Ganyan natin siya nakilala pero sa mga di nakakaalam, si Quinito Villegas Villarosa (I called him Q) ay isang Surfer at Dog Lover. Mas kilalanin pa natin si Q na isa sa mga Possible Housemates ng 'Pinoy Big Brother All In.'

Taong 2008 nang magsimula ang pagkahilig ni Q sa surfing. Madalas siyang tumungo sa napakagandang probinsiya ng La Union para mag-surfing. Noong nag-uumpisa pa lamang siya, nagagawa niya pang mag-stay sa mga Hotel sa La Unuion. Pero dahil sa full-time student pa lamang siya noon ay kinakapos ang kanyang budget kaya nagdesisyon niyang tumira kasama ang mga residente sa nasabing probinsiya.

Imagine, isang Conyo nakisalamuha at namuhay sa mga mahihirap. Binibigyan niya ng pera ang pamilya na tinitirahan niya. Likas na mabait, magalang at mapagkumbaba kaya di nahirapan ang mga residente doon na pakisamahan siya. Tuwang-tuwa ang mga tao doon sa kanya especially yung pamilyang nakasama niya kaya naman sa tuwing uuwi siya mula sa pag-susurfing ay ipinagluluto siya ng ilaw ng tahanan ng pamilya na iyon ng mga masasarap na pagkain. Pinatunayan ni Q kayang makisalamuha ang mga mayayaman at mahihirap. Napakita niya na walang dibisyon ang dapat maghati sa atin. Kaya naman hanggang ngayon ay minamahal pa rin siya ng mga residente doon.

Sa kabila ng pagiging masayahing tao, halos gumuho ang mundo niya na mawala ang pinakamamahal niyang aso na inalagaan at tinuring niyang baby sa napakahabang taon. Nahirapan ng husto si Q sa pagkawala ng aso niya. Pakiramdam niya may isang parte ng buhay niya nawala. Ilang taon din ang inantay niya para muling makapag-alaga ng aso. Sabi nga nila, kapag ang isang tao ay mabait sa mga hayop, asahan mong may mabuti itong puso. Aba, naniniwala ako sa kasabihan na yan dahil napatunayan na yan ni Q.

Mabait na, gwapo pa. Pero bago niya narating ang Cutie Pie status, isa siyang chubby teens na nakatanggap ng maraming masasakit na salita dahil sa hitsura niya. Mula sa pintas ng mga tao, nagkaroon siya ng goal na pumayat at magkaroon ng healthy lifestyle. Naging determinado at pursigido siya na makamit ito kaya naman isa na siya sa mga itinuturing na crush ng bayan.

Isa pang maibabahagi ko tungkol sa kanya ay ang pagiging mabuti niyang anak at kapatid. Kahit di mo siya tanungin, alam kong isa sa mga hinihiling niya sa Panginoon na gumaling na ang isa sa minamahal niya sa buhay. Dama ko ang kalungkutan niya. Habang ang bunso naman niyang kapatid na si James ay napakaswerte sa pagkakaroon ng kuya katulad ni Q. Isang kuya na cool, na parati niyang kasama sa mga simple at importanteng parte ng buhay niya. Madalas sila mag-bonding magkapatid, at kita mo sa kanya na magiging mabuti siyang ama.

College Party Boy. La Salle Cutie. Dog Lover. Surfer. Good Son. Best Kuya. Pero para sa akin siya ang aking Bro. Cheerleader. Adviser. Textmate. At higit sa lahat KAIBIGAN.

Kung tatanungin ako ng "Who inspires you?" siya ang isasagot ko. The man who changed my life. The guy who inspired me to be a better person. Akala ko noon magiging masaya ako sa pagiging Basher sa Social Media pero hinde e pinakita niya sa akin na mas maganda pala maging mabuti. Kahit na nag-away kami sa una naming pagkakakilala, naging mabait pa rin ang trato niya sa akin. Sa kabila ng masasakit na salita na sinabi ko ay di niya ako ginantihan ng mga masasakit na salita na nararapat sa akin. Di ko akalain na magiging kaibigan ko siya.

Laki ng utang na loob ko sa taong ito. He deserves to be happy. I am so proud of you, Quinito.

Pero ang tanong, tatanggapin niya ba ang malaking hamon ni Kuya sa kanya o mas pipiliin niya ang pribadong buhay at mag-focus sa kanyang negosyo? Alamin ang kasagutan sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya para sa mga Halo-Halong Housemates ng 'PBB ALL IN' simula April 27.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

Possible Double Up Housemates: Bobby & Robert Solomon

Tuesday, April 22, 2014 0 Comments


Iba man ang kanilang hilig at gusto, iisa naman ang kanilang mukha at minimithing pangarap. Meet the twin brothers Bobby (Roberto) and Robert Solomon.

Half-German & Half-Filipino ang kanilang Daddy, who is in the States & di nila madalas kausap habang Filipina naman ang kanilang nanay na naninirahan na sa Japan. Now we know why these twins are sooo cute. Hashtag: #Halfies. Ang ate nila na si Charisse Solomon na isang Kapuso comedy actress ang nag-aalaga sa kanila dito sa Pilipinas.

Possible Housemate: Lumaki man sa Canada di pa rin niya kinalilimutan ang bayan nila sa Pangasinan. Kilalanin siya!

Pero kahit nasa ibang bansa ang mga magulang eh may mga pagkakataon na kinakapos sila ng pera lalo na sa pambayad ng tuition fee buti na lang nakakatulong ang ate nila na kumikita nila sa pag-aartista.

Dahil sa gwapo, naging bahagi sila ng ilang ads, at ang kinikita nila mula rito ay ginagamit nila sa mga gastusin. Mas nakilala ang magkapatid ng maging miyembro sila ng Dance Squad, dating grupo ng mga sumasayaw at kumakantang cutie teens. Umalis ng Dance Squad at sumali sa isang talent show ng GMA si Bobby kung saan mas napaklita niya ang kanyang talento sa pagkanta at pagiging performer.

Sa ngayon, ang kambal na magkamukha ay mukha pa rin ng ilang TV commercials. Magkaiba man ang pinagkakaabalahan nila, nagkakaisa naman sila sa hangaring makapasok sa Bahay ni Kuya. Sila na kaya nag Double Up Housemates ng 'Pinoy Big Brother All In'? Abangan ang kasagutan simula ngayong April 27.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

Possible Housemate: JC Timmons of Pangasinan

Monday, April 21, 2014 0 Comments


Gaya ng ibang Halfie, lumaki din sa ibang bansa ang next Possible Housemate ng 'Pinoy Big Brother All In.'

Kahit namulat sa kultura ng North America, dala pa rin ni JC Timmons ang ugali at kultura ng isang Pinoy. Proud siya sa kung anong dugo ang nanalaytay sa kanya.

Kahit maganda ang pamumuhay sa North America, para kay JC andito sa Pilipinas ang kanyang pangarap. Minsan na niyang sinabukan sumali sa PBB nang magkaroon ito ng audition sa North America, ilang taon na ang nakaraan. Pero di nga lang sya napalad.

Kahit nabigo ay tinuloy niya pa rin ang kanyang pangarap. Naninirahan na siya ngayon sa Pilipinas at unti-unti ng natutupad ang kanyang pangarap. Napanood na siya sa ilang proyekto gaya ng 'Girl Boy Bakla Tomboy' at meron na siyang sariling TV show.

Possible Housemate: The Controversial Dancer

Kapag may oras ay ginagawa niyang balikan at dalawin ang probinsiya ng Pangasinan na hometown nila. At infairness to him, nagagawa niya pang mamalengke na ikinakatuwa ng mga tao doon.

And I must say he is a really, really nice guy kaya naman sila Young JV & 'PBB Teen Edition 1' 2nd Big Placer Gerald Anderson ang kanyang mga homies.

Sa 'PBB ALL IN' na kaya matupad ang pangarap niya? Abangan ang kasagutam simula ngayong April 27 sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya para saga Halo-Halong Housemates.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

Possible Housemate: The Controversial JAN STEPHEN NOVAL of G-Force

Thursday, April 17, 2014 0 Comments


"Life is like a dance, sometimes we know the steps and sometimes we make them up. Sometimes we follow the music and sometimes we make up our own tune. Sometimes we get our toes stepped on and sometimes we step on others toes. Sometimes we slow dance and sometimes we fast dance. There are even times when we sit out for a dance or two. The good thing about life, and dancing, is we can always step back in when we are ready, we can dance any dance we choose and it doesn’t matter if we know the steps or not, we can make them up as we go." - Deanna Frazier

Pagsasayaw. Sa larangan na yan unang nakilala ang next Possible Housemate ng 'PBB All In.' Everyone, meet Jan Stephen Noval.

Isa siya sa mga magagaling at gwapong male dancers ng G-Force. Wala na siya ngayon sa nasabing grupo kaya di na natin siya napapanood na sumasayaw sa ilang Kapmilya shows gaya ng 'ASAP 19' & 'GGV.'

The YouTube girl is now a Possible Housemate for #PBBALLIN

From a G-Force dancer, nais ni Jan na mas makilala sa mundo ng showbiz. Sa ngayon ay mapapanood siya sa bagong TV commercial ng McDo (and Coca-Cola) na #BetterTogether kung saan bida ang Fil-Dutch model & Century Superbods 2014 Finalist na si Laurens Tolenaars (vote for him at CenturyTuna.ph and get a chance to win a trip to Boracay for two).

Kailan lang ay laging laman ng mga usap-usapan ang pangalan niya ng ma-link siya sa isang super sikat na celebrity. Dahil sa mabait na nilalalang ng Diyos itong si Jan ay minabuti kong di na ako magbigay pa ng detalye tungkol sa naging issue niya.

Ang susunod na enteblado ba na sasayawan niya ay sa loob ng Bahay ni Kuya? Yan at ang iba ang dapat abangan sa 'Pinoy Big Brother All In' ngayong April 27 na!


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

Possible Housemate: YouTube Sensation ERICKA VILLONGCO

0 Comments


Noong 2005 nilunsad nina When Chad Hurley, Steve Chen & Jawad Karim ang video-sharing site na YouTube. There’s no way they could have predicted na babaguhin nito ang mundo natin. YouTube has revolutionized everything from entertainment to education, nagbukas ito ng maraming pinto para sa mga talented individuals.

Never before has it been so easy for talented singers, dancers, actors and artists to achieve instant fame. Mag-upload ka lamang ng video mo sa YouTube na kumakanta ka ay maaaring maging daan ito para makamit mo ang minimithi mong pangarap. A video that could receive millions of views, get a record deal and begin a whole new life overnight. Oh yes, Thank you, YouTube!

Thank you, YouTube dahil natagpuan ko ang pinakapaborito kong OPM duo, ang maganda, classy & talented na magkapatid na sina Krissy & Ericka. Mula sa pagpopost ng mga covers nila sa YouTube ay natupad ang pangarap nilang maging recording artists.

Possible Housemate: Underwear Model MARK McMAHON

Thank you, YouTube dahil dito ko unang nadinig ang isa sa mga ultimate favourite songs ko ang '12:51.' Most of us na-LSS sa original song na ito nina Krissy & Ericka Villongco which is about moving on. Hashtag: #ViralSong

And the moon will shine so bright for Ericka. From a YouTube girl, she is now one of the Possible Housemates for 'Pinoy Big Brother All In." Tatanggapin niya kaya ang hamon ni Kuya? (Yes, please! It won't be the biggest mistake of your life) Abangan ang kasagutan sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya para sa mga Halo-Halong Housemates simula ngayong April 27.

This pretty, cool, classy lady on Primetime TV. Oh my, I cannot wait! Love, love, love Ericka! ��


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

Possible Housemate: Azkals Midfielder & Dog Lover MARK McMAHON

Tuesday, April 15, 2014 0 Comments


From being a Kapuso, this 21-year old Azkal midfielder is now ready to enter the beautiful kingdom of Kapamilya.

LaSallian Cutie LA Aguinaldo Joins #PBBALLIN

Mark McMahon (pronounced McMan), who is a dog lover (pwede bang Byx's Lover na lang, chos!), is one of the Possible Housemates for 'Pinoy Big Brother All In.'

Bakit siya super gwapo? Eh, kasi naman isa rin siyang Halfie - Half Filipino Half Scottish. Hmmm... Yummy! He was born in Siargao Island, Surigao pero umalis sila (ng family niya) ng Pinas at nanirahan sa Glasgow, Scotland.

Umuwi ng Pinas para mag-training for Azkals. Aside from being an Azkal and a dog lover (aw! aw! aw!), naging underwear model din siya ng Bench Body (oh my) at napanood sa Kapuso film na 'Tween Academy.' Sa ngayon ay nakikipagdigma siya sa kanyang poser sa Facebook na gusto niyang I-report pero di niya magawa dahil na-blocked siya nito. Awww! Awww!

Bahay ni Kuya Muling Magbubukas Ngayong APRIL 27 Para sa mga Halo-Halong Housemates

Will the Cutie Dog Lover be the newest Crush ng Bayan? Makapasok kaya siya sa Bahay ni Kuya? Abangan ang kasagutan sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya para sa 'PBB ALL IN.'


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. loving my blog! xX

Candy Cutie LA Aguinaldo Joins 'PBB All In'

Monday, April 14, 2014 0 Comments


Certified Candy Cutie talaga ang brand ambassador na si LA Aguinaldo kaya naman nang mabasa namin ang pangalan niya sa mga na-shortlist na mga Celebrity Housemate ay talaga namang natuwa kami at na-excite.

Imagine this, we might have the chance to see the one of the coolest Filipinos on TV everynight! That's going to be a great primetime experience. He will be a good TV, man! He is going to be a cool 'Pinoy Big Brother All In' Housemate.

This DLSU dude is ready to face the challenge of Big Brother and be an inspiration to the youth. But the question is did he pass the casting?

Sorry girls & pa-gurls, it's time to break your heart cause it's a NO. He didn't make it. He was almost there but ugh and another ugh... I know, it's kinda disappointing. He's really sayang. Sad. Fosho, marami pang pinto bubukas kay LA!

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

#PBBALLIN Teaser: Ang Chinese Cutie ng Cebu

Thursday, April 10, 2014 0 Comments


Noong Summer ng 2006, binago ng 'Pinoy Big Brother' ang buhay ng isang dalaga, ang Chinese Cutie ng Cebu na si Kim Chiu.

Kailan nga ba muling magbubukas ang Bahay ni Kuya?

Sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya para sa 'Pinoy Big Brother All In,' kaninong buhay ang magbabago sa Takdang Panahon.




Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX  

'The Amazing Spider-Man 2' Mobile Game to Release This Month

0 Comments




Gameloft, a leading global publisher of digital and social games, and Marvel are joining forces to develop and launch the most “amazing” Spider-Man experience on smartphones and tablets. The game features an action-packed, open-world adventure showcasing characters from Sony Pictures’ highly anticipated The Amazing Spider-Man 2, coming to theaters this April.

“After the tremendous success of the first The Amazing Spider-Man mobile game, we’re excited to be working with Marvel again to bring the fan-favorite hero back onto smartphones with The Amazing Spider-Man 2,” says Karine Kaiser, VP Marketing & Licensing at Gameloft. “Players will enjoy a deep open-world adventure and iconic web-spinning action that makes Spider-Man so extraordinary.”

Players can expect to web-sling through a free-roam Manhattan that increases the city size and detail of the first game, making it the ultimate playground to show off Spider-Man’s impressive web-swinging, wall-climbing, web-shooting and fighting abilities. Spider-Man embarks on a nonstop, unpredictable action-adventure, as he rushes to save New York City from the chaos of a disastrous crime wave. Combined with an original story inspired by the film, the stage is set for Spidey’s greatest battle against film villains Electro and Green Goblin, as well as other iconic foes inspired by more than 50 years of comics.

“We are excited to continue our relationship with Gameloft in releasing best-in-class mobile games,” says Javon Frazier, VP of Games Marketing. “The Amazing Spider-Man 2 mobile game delivers a more in-depth gaming experience than its already successful predecessor, which is sure to captivate fans of the theatrical franchise.”

The Amazing Spider-Man 2 is scheduled to release on iPhone, iPad, iPod touch, Android, Windows Phone, and feature phones in April 2014. The upcoming film is coming to theaters starting April 16th in Europe, and May 2nd in the United States.

Experience the first glimpse here

Facebook official page


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

Official Teaser Trailer for 'MOCKINGJAY - Part 1' to Debut at MTV Movie Awards

Tuesday, April 8, 2014 0 Comments

Teaser poster for 'Mockingjay - Part 1'

The #RoadToRevolution to start on April 14. Real or not real? Real.

Tributes, prepare for the teaser trailer for ‘The Hunger Games: Mockingjay Part 1’ To debut at the MTV Movie Awards on April 14th (Manila time). Will the hope turn into ashes?

'Mockingjay - Part 1' is the first half of Suzanne Collins' final 'Hunger Games' book is adapted in this Lionsgate production


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

'PBB All In' Grand Opening Night Ngayong April 27 Na!

1 Comment


Magsisimula na naman ang panibagong season ng nangunguna at pinakapinaguusapang reality show sa Pilipinas ang 'Pinoy Big Brother' kaya dama mo na ngayon pa lamang ang PBB Fever.

Nangangahulugan din ito ng pagsisimula ng katapusan ng minahal nating reality show. 'PBB All In' is the final regular season of PBB

At dahil mag-uumpisa na ulit ang PBB ay tiyak makikita mo na naman ang mga ex-housemates ni Kuya na nagpopromote ng bagong season pero ang ilan sa kanila ay matagal mo ng di nakikita sa TV o nababalitaan man lang. Well, anrito ang ilang updates sa mga ilang ex-housemates na tumatak sa atin.




Si BRUCE QUEBRAL (Season 2) ay nasa Dubai

May restaurant at naninirahan na sa US si JENNY (Season 1)

Sino mag-aakalang sina ROB at YURI (Double Up) pala ang magkakatuluyan. I'm sure isisigaw ni Rob this time ay "Hapon, pa-kiss!"

May napakagandang misis na si JB MAGSAYSAY (Season 1)

Si KIT THOMPSON naman ng PBB Teen Edition 4 ay super nag-enjoy sa #WeAre7107 concert. Yun lang. Hahahaha

Isa sa pinakatumatak sa PBB ay si RICA PARAS. (Double Up) She is now a Talent Manager & Host. Masipag. Mabait. Maganda!

Sino ang di makakalimot sa Orig Twins ng Double Up. May gym na sina Kenny & Toff. Super bait pa rin.

PBB Unlimited Housemate CASEY AUSTRIA is now a TV host. Naging DJ din siya at sumali sa Ms. Philippines - Earth

PBB Teen Edition Big 4 MIKEE LEE is working in Singapore for P&G.

At dahil sa tuwing nag-uumpisa lang ang PBB nagkakaroon ng reunion, abangan niny ang mga Ex-Housemates ni Kuya na sina Slater, Nene, Joi & Jaj, Karen, Joe, Kit, Saicy, Say, Dionne, Mickey sa isang reunion sa 'ASAP 19' para sa launching ng 'Pinoy Big Brother All In.'

Ang #PBBALLIN ay parang HALO-HALO.

Iba-ibang minatamis na rekado para sa isang kumpleto & di makakalimutang Summer experience.

Lasapin ang sarap at sayang dulot ng HALO-HALO ngayong Summer. Enjoy your favourite HALO-HALO this Summer.

Hosted by Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Robi Domingo, John Prats and Slater Young, ang 'PBB All In' ang pinakamalaking season ng PBB na magsisimula na ngayong April 27.


Follow me on Twitter @byxspeaks.

Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

Bench Stole Artwork for T-shirt Design

Sunday, April 6, 2014 0 Comments


From Raffy Parcon:

Thank you Bench/ lifestyle + clothing for using our artwork without permission, and for making money out of a stolen image.

You will see below pictures of the Bench t-shirt in question (available now in stores) along with the original image that we created for a photography project.

As proof of that we own the image, you can see the rest of the project here:

and here

and here

You will hear from us, Bench - a "world class" brand so full of class.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

It's a Goodbye! 'PBB All In' is the FINAL REGULAR SEASON of PBB

Thursday, March 27, 2014 3 Comments


Isang reality show na nagmula sa bansang Netherlands ang isinilang sa Philippine TV noong August 2005. Marami ang kumuwestiyon sa pagbili ng ABS-CBN sa 'Big Brother' na masasabing pinaka-kontrobersiyal na reality show sa Europe dahil sa mga maseselan na mga eksena ng mga Housemates na pinapalabas naman sa TV.

Sa kabila ng pagiging liberated ng show ay nagawa pa rin ng Kapamilya network na lagyan ng panlasang Pinoy ang programa. Maliban sa pagpapakita ng mga ugaling Pinoy ay naging instrumento din ang 'Pinoy Big Brother' na maging inspirasyon ang mga Housemates sa mga Pinoy. Pinag-usapan ng husto ang mga eksena sa lahat ng seasons at editions nito na talaga namang tumatak at bumago sa Philippine TV history. Naging bahagi tayo sa pagkamit ng tagumpay ng mga tinanghal na Big Winners mula kay Nene Tamayo hanggang kay Myrtle. Ang PBB na nga ang masasabing pinakamalaki at nangungunang reality show ng bansa na hanggang ngayon ay pinag-uusapan at pinaka-aabangan pa rin. Pero lahat ng bagay maganda man o hindi, matagumpay man o hinde ay may katapusan.

After ng 10 seasons (4 Regular Seasons, 2 Celebrity Editions & 4 Teen Editions) ng 'Pinoy Big Brother' kung saan nakilala natin ang daan-daang Pinoy Housemates na naging inspirasyon, kinainisan, minahal, nagpatawa, nagpaiyak, nagpakilig sa atin ay malapit ng dumating ang takdang panahon ng tuluyang pagsarado ng pinto ng Bahay ni Kuya.

3 Ultimate seasons na lang ang natitira at tuluyan na tayong magpapaalam sa pinakamamahal nating reality show. Ang una sa Final 3 seasons ng PBB ay ang 5th regular season na tinawag na 'Pinoy Big Brother All In' na magsisimula na ngayong summer to be hosted by Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Robi Domingo, John Prats and Slater Young (that's why Robi and Toni won't be part of the upcoming seasons of 'The Voice Philippines').

Nakakalungkot malaman na nalalapit na ang takdang panahon (few years from or maybe next year) ng pamamaalam natin sa PBB. Tiyak mamimiss natin ito sana mag-renew pa ang ABS-CBN pero kung magtatapos man ang PBB, masaya ako na magtatapos ito na pinag-uusapan at matagumpay. *tears*


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

YouTube Sensation JAMICH Sumali sa 'PBB All In'

0 Comments


Sino mag-aakala na ang masaya at nakakakilig na pagsasamahan ay bigla-bigla mababalot ng kalungkutan? Isa ako sa napakaraming nagulat at nalungkot ng malaman na si Jam ng real-life couple at YouTube sensation na Jamich ay natuklusang may sakit na cancer (pwera sa atin). Napakabata pa ni Jam para maranasan ang ganitong karamdaman at kabigat na problema. Sa kabila ng tinataglay niyang karamdaman ay positibo at masaya pa rin hinaharap nina Jam at Michelle (Jamich) ang laban nila sa sakit na cancer. Naging inspirasyon si Jam sa mga cancer patients na hindi nawawalan ng pag-asa.

Sa mga di nakakaalam, isa ang Jamich sa mga pares na naimbitahan sa auditions ng 'Pinoy Big Brother Season 5' o 'Pinoy Big Brother All In' noong January. Kung ano man ang naging resulta ng auditions ay wala na itong halaga dahil sa sakit na mayroon ngayon si Jam. Alam naman nating importante kay Big Brother ang kalusugan.

Magpagaling ka Jam. Kaya mo yan. Pagsubok lang sa iyo ni God. Umaasa ako na happy ending pa rin for Jamich. Salamat sa mga oras na pinakilig ninyo kami.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

Lyrics: "PINASmile" by Daniel Padilla & Kathryn Bernardo

Tuesday, March 25, 2014 0 Comments


#PINASmile
(2014 ABS-CBN Summer Station ID Theme Song)
by Daniel Padilla & Kathryn Bernardo

DJ:
Pangarap kong isang araw
Mahanap muli ang daan
Tungo sa bayang kung saan
Paraiso ang pakiramdam

Ito na nga ang araw na yun
Alam ko na kahit noon
Pag-asa'y di malayo
Dahil may ngiti sa yong puso

2X
Tag-araw na sa Pinas
Mga smile lumalabas

PINASmile mo kami
Parang araw matapos ang ulan
PINASmile Mo kami
Lahat ng bagay ay gumagaan
PINASmile mo kami
Sabi ng labi mo'y don't you worry
PINASmile mo Kami
May awit sa 'yong tawa
Whatever comes

4X
Kayang kayang kaya!


KATH:
Dahil sa yong ngiti
Nagpakita ang bahaghari
Itago pa man sa dilim
Araw na to'y di palalampasin

2X
Tag-araw na sa Pinas
Mga smile lumalabas

PINASmile mo kami
Parang araw matapos ang ulan
PINASmile Mo kami
Lahat ng bagay ay gumagaan
PINASmile mo kami
Sabi ng labi mo'y don't you worry
PINASmile mo Kami
May awit sa'yong tawa
Whatever comes

2X
Kayang kayang kaya!

DJ and KATH:
PINASmile mo kami
Parang araw matapos ang ulan
PINASmile Mo kami
Lahat ng bagay ay gumagaan
PINASmile mo kami
Sabi ng labi mo'y don't you worry
PINASmile mo Kami
May awit sa yong tawa
Whatever comes

4X
Kayang kayang kaya!

KATH:
Tignan lang ang mata ng bawat isa
DJ:
May pitong libong dahilan para magsaya!
KATH:
Tignan lang ang mata ng bawat isa
DJ:
May pitong libong dahilan para magsaya!


DJ and KATH:
PINASmile mo kami
Parang araw matapos ang ulan
PINASmile Mo kami
Lahat ng bagay ay gumagaan
PINASmile mo kami
Sabi ng labi mo'y don't you worry
PINASmile mo Kami
May awit sa yong tawa
Whatever comes

4X
Kayang kayang kaya!

(adlibs)

PINASmile mo kami
Parang araw matapos ang ulan
PINASmile Mo kami
Lahat ng bagay ay gumagaan
PINASmile mo kami
Sabi ng labi mo'y don't you worry
PINASmile mo Kami
May awit sa yong tawa
Whatever comes

8X
Kayang kayang kaya!

PINASmile mo kami
Pinasaya tayong together
PINASmile mo kami
Masayang muli ang kwento ng summer


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

Sneak Peek: The Epic 100th Episode of 'Glee'

Sunday, March 16, 2014 0 Comments


Get a first look at the old and new casts of Glee gathering for the series' 100th episode!

No more Glee club. But hey, I'm sooo excited for Quinn and 'Defying Gravity' peformance! It's the epic 100th episode of 'Glee.'





Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

Lea Salonga to Sing the 'Dyesebel' Theme Song

0 Comments


Magsisimula na bukas ang istorya ni 'Dyesebel.'

Pagbibidahan at gagampanan ng Social Media Queen Anne Curtis, ang 'Dyesebel' ang isa sa mga likha ni Mars Ravelo na nabili ng ABS-CBN.

Ito ang pinaka-aabangang Kapamilya teleserye ngayong taon na mula sa Dreamscape Entertainment Television na pinamumunuan ni Deo Endrinal. Maliban sa bigating bida, bigatin din ang iba pang members ng cast nito. Andiyan sina Sam Milby at Gerald Anderson na gaganap na Liro at Fredo na iibig sa bagong reyna ng karagatan. Andiyan din sina Andi Eigenmann, Bangs Garcia, Gabby Concepcion, Eula Valdez, at Dawn Zulueta.

Ang theme song nito na 'Tangi Kong Kailangan' ay inawit ng nag-iisang Voice of Broadway and Disney, Ms. Lea Salonga!

Abangan ang 'Dyesebel' gabi-gabi, simula bukas, pagkatapos ng 'TV Patrol'.

Photo by Van Cruz


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

4-Day Taping ng #TheVoiceKidsPH BLIND AUDITIONS Magsisimula na Bukas

1 Comment


Muli na nating masisilayan ang pag-ikot ng mga Red Chairs ng 'The Voice of the Philippines'

Simula bukas may mga pangarap na matutupad sa bawat pag-ikot ng Red Chair ng mga Coaches na sina Sarah Geronimo, Bamboo at Ms. Lea Salonga.

Simula bukas, isa-isa ng mabubuuo ang bawat teams: #TeamSARAH, #TeamBAMBOO & #TeamLEA

Dahil simula bukas, magaganap na ang 4-day taping ng BLIND AUDITIONS ng 'The Voice Kids (Philippine Edition)'

Sa pagtatapos ng 4-day taping ay buo na ang 3 teams na maglalaban-laban para tanghaling kauna-unahang Kid Champion ng Reality SHow na bumago sa mukha ng singging competition sa Pilipinas at sa buong mundo.

'The Voice Kids (Philippine Edition)' BLIND AUDITIONS Taping, March 17-20 sa Studio 10 ng ABS-CBN (ASAP & #TheVoicePH BATTLES Studio)


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

'The Voice Kids PH' Blind Auditions Taping Ngayong March Na!

Friday, March 7, 2014 1 Comment



Magbabalik na nga ang isa sa mga reality shows na pinakamimiss natin, ang 'The Voice of the Philippines.'

Mas iinit ang Summer ng mga Pinoy sa labanan ng mga boses ng Pinoy Kids. Sinong Pinoy kid ang tatanghaling kauna-unahang Grand Champion ng 'The Voice Kids (Philippine Edition)'?

Kasama ng pagbabalik ng reality show na bumago sa singing competition sa Pilipinas ang 3 coaches na namiss natin. Muli silang uupo sa mas pinabonggang red chairs para kumpletuhin ang kani-kanilang team at tulungan ang bawat kid artists na tuparin ang kanilang minimithing pangarap.

Magsisimula ang taping ng pinaka-aabangang The Blind Auditions ngayong Marso. Gaya din ng 1st season ng main edition, kung saan tinanghal na The Voice si Mitoy Yonting, tatagal ang taping ng Blinds ng apat na araw.

Ilang araw na lang malalaman na natin ang mga miyembrong bubuo sa 3 teams. Ilang araw na lang mag-uunpisa ang digmaan ng mga boses ng Pinoy kids. Ilang araw na lang magsisimula na ang journey ng mga Pinoy kids. Dahil pangarap pa rin ang puhunan, at boses lang talaga ang labanan. Ito ang 'The Voice Kids (Philippine Edition)' ngayong Summer na!

UPDATE: Sa ngayon, bawal pa sabihin ang exact dates ng taping, abangan sa mga susunod na araw dito sa aking blog kung anong petsa gaganapin ang 4-day taping ng blinds.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

'Divergent' Tickets Go On Sale MARCH 4th

Tuesday, February 25, 2014 0 Comments


Summit has announced that tickets go on sale for the most dauntless movie of the year, 'Divergent' on March 4.

On March 4, you can have your Dauntless cake and eat it too. Snag your #DivergentTickets before anyone else!

For IMAX & SM Cinemas, you can purchase your #DivergentTickets online just go to SMCinema.com

Starring Shailene Woodley, Theo James & Kate Winslet, 'Divergent' is based on the best-selling book series by Veronica Roth, will be released in Philippine Cinemas & IMAX, MARCH 19


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS